Sobrang init ng panahon ang dahilan ng nakitang butas sa runway ng Haneda Airport

Dahil sa sobrang init ng sikat ng araw, rumurupok ang mga aspalto ng mga kalsada, ito rin ang sanhi ng pagkakaroon ng butas sa runway ng Haneda Airport.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang butas ang nakita sa runway ng Haneda Airport nuong Lunes.

Suspetsa ng opisyales ng Transport Ministry na ang sanhi ng nakita butas sa runway ng paliparan sa Haneda, Tokyo ay dahil sa sobrang init ng sikat ng araw.

Ang butas ay mayroong 20 cm na haba, 30 cm na lapad at 10 cm kalalim. Ito ay nakita nuong Lunes sa isa sa 4 na runway ng paliparan. Isinara umano ang nasabing runway ng 4 na oras, na nag-sanhi ng pagkaka-abala sa mga flight operations.

Ayon sa opisyal ng ministro, maaaring dahil sa mainit na tubig ay rumupok ang pondasyon ng aspalto na siyang nagpapa-hina sa lupa ng sementadong kalsada.

Sinabi rin nito na sila ay nag-sagawa ng inspeksyon mula Lunes ng gabi hanggang araw ng Martes. Napag-alaman nila na ang lupa na nakapalibot sa butas ay nasira na din. Sinabihan na rin nila na maaaring magkaroon ng karagdagang biyak o lamat ang ilang parte ng runway.

Umaga na ng Miyerkules natapos ayusin ng mga tauhan ng ministro ang butas sa runway. Umabot ng 60 metro ang haba at 5 metro kalapad ang kunumpuni parte sa runway.

Itinatantyang aabot pa hanggang katapusan ng Hulyo ang nararanasang heatwave ng bansa.

Marami ang nakararanas ng dusa sa buong bansa dahil sa heatwave ngayong buwan.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund