Simula sa ika-19 ng Hulyo ay mag-kakaroon na ng discount ang admission fee sa legoland. Aabot ng ¥1,900 (adult) at ¥1,600 (child) naman ang madi-discount sa 1-day pass sa nasabing pasyalan.
Ang opisyal na namamahala sa kumpanya ay nagsa-gawa ng hakbang bago pa sumapit ang bakasyon ng mga bata sa paaralan, ito ay bilang tugon sa mga reklamo na may kamahalan ang admission fee sa nasabing theme park. Ang mga nag-sabi nito ay mismong mga taong nag-punta na rito mula ng ito ay binuksan sa publiko nuong Abril taong 2017. Umaasa ang pamahalaan ng nasabing pasyalan na dumami ang kanilang mga bisita at kumita rin. Bababaan na ang presyo ng admission fees at ito ay araw-araw ng mag-bubukas hanggang sa matapos ang taong 2018.
Paliwanag ng opisyal ng pamunuan ng nasabing parke, binago nila ang halaga ng admission fee dahil sa kanilang pangunahing consumer, ang mga bata. Para sa mga batang nag-edad ng 3 -12 taong gulang ay ¥3,700 ang 1-day passport kapag regular season at ¥4,500 naman kapag peak season (Summer, Year-end at New Year holiday). Sa kasalukuyan ang halaga ng admission fee ay ¥5,300. Samantalang ang admission fee ng mga adult ay mananatiling ¥6,900 kapag peak season at magiging ¥5,000 na lamang kapag regular season.
Ang naturang kumpanya ay mag-aalok din ng 3 klase ng annual passport sa mas mababang presyo.
Source: The Mainichi
Image: Portal Japan
Join the Conversation