Isang lalaki ang sinaksak sa kaliwang hita habang naka-sakay sa isang subway sa Tokyo nuong Lunes.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang pananaksak sa kalagitnaan ng rush hour bandang alas-8:30 at alas-8:45 ng umaga sa Tozai Line, ulat ng Sankei News. Nuong dumating ang tren sa Minami-sunamachi station, ang lalaki na nasa 40 anyos ang edad, ay naka-ramdam ng kirot sa kanyang kaliwang hita at saka nakita ang dugo na umaagos sa kanyang pantalon. Humingi ng saklolo ang lalaki sa mga staff ng tren ang lalaki at nagpa-tawag ng pulis. Agad naman isinugod sa ospital ang biktima kung saan siya ay nilapatan ng lunas para sa pinsalang natamo at ngayon ay nasa mabuting kalagayan na, ani ng mga awtoridad.
Sinusuri na ng mga pulis ang surveillance camera ng platform upang matukoy kung sino-sino ang mga pasaherong kasabay ng biktima.
Ang Tokyo Metro Co. na nagpapa-takbo sa Tozai Line ay ikinukunsidera nang mag-lagay ng mga surveillance camera sa loob ng mga tren, ulat ng Kyodo. Ang JR East ay nag-lagay na ng mga camera sa mga karwahe ng kanilang mga tren upang mabigyan ng extrang seguridad ang kanilang mga pasahero. Inaasahan rin na susunod na ang iba pang kumpanya ng mga tren.
Source: Japan Today
Image: Wikipedia
Join the Conversation