Isang international group ng journalists ang dumating na sa North Korea upang saksihan ang pag-shut down ng Nuclear Test Site nang nasabing bansa.
Sabi ng Pyongyang, aalisin ang Punggye-ri Site sa hilagang-silangan sa pagitan ng mga araw ng Miyerkules at Biyernes.
Mahigit 20 journalists mula sa Estados Unidos, Britania, Tsina at Russia ang lumipad patungong Wonsan, mula Beijing, China nuong Martes.
Gamit ang isang espesyal na tren na mag-sisilbing tulugan at sasakyan na mag-dadala sa mga journalist sa mga site.
Nag-lagay ng isang Press Center sa Wonsan ang North Korea upang mai-pakita sa dayuhang media ang pag-sisikap ng kanilang bansa na tanggalin ang Nuclear sa Korean Peninsula.
Inimbita umano ng Pyongyang ang ilang mga reporters mula sa South Korea upang i-cover nasabing event.
Ngunit, pagka-tapos nito ay tumanggi na tanggapin ang listahan ng mga pangalan ng mga reporter.
Ang ginawang aksyon ay nag-mula nang subukan ng South Korea na mag-silbing tulay para sa North Korea at Estados Unidos upang mapa-aga ang kanilang summit sa darating na Hunyo.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation