Isang lalaki ang ginulpi ng mga manloloob sa kanyang pamamahay

2 lalaking man-loloob, binambo sa ulo ang isang 44 taong gulang na lalaki sa Shiga Prefecture

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nuong linggo ng umaga, 2 lalaki ang nangloob sa isang tahanan ng 44 taong gulang na lalaki at ito ay binambo ng metal bat.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-2:35 ng umaga sa loob ng tahanan ni Atsushi Sakata, isang self-employed business man, ulat ng Fuji TV.

Sabi ng mga pulis, si Sakata ay naninirahan mag-isa sa kanyang tahanan. Siya umano ay natutulog sa ikalawang palapag ng kanyang bahay nang siya ay magising dahil sa ingay na narinig. Ang biktima ay napalo sa ulo ng isang metal bat ngunit sa kabutihang palad ay hindi napuruhan at na-kaya pang tumakas at humingi ng tulong sa kapit-bahay.

&nbspIsang lalaki ang ginulpi ng mga manloloob sa kanyang pamamahay
(Image: MBS)

Ang 2 manloloob ay nakatakas sakay ng isang itim na sasakyan na minamaneho ng ikatlong suspek, ang mga ito ay walang ni nadalang bagay ni isa mula sa loob ng bahay.

Sabi ng mga pulis, si Sakata ay nag-tamo ng pinsala sa ulit ngunit hindi naman kabaha-bahala ang kanyang sitwasyon. Ang mga salarin ay naka-pasok sa loob ng pamamahay ng biktima mula sa sinirang salamin sa likod-bahay.

Sinabi ni Sakata na hindi niya kilala ang mga salarin ngunit inilarawan niya na ito ay nasa edarang 30 taong gulang at m ayroong maikling buhok.

Source: Japan Today
Image: MBS
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund