10 taong gulang na bata natagpuan na matapos mawala ng 22 ka-oras sa kabundukan

Batang mayroong special needs nawala ng mahigit 22 oras sa loob ng kabundukan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang 10 taong gulang na batang lalaki ay nakitang ligtas nuong linggo, matapos mawala sa bundok sa Ome, Tokyo. Ang bata na pumapasok sa isang paaralan para sa mga batang mayroong ispesyal na pangangailangan, ay ini-report na nawawala ng mahigit 22 oras na, ito ay matapos umakyat sa Mt. Mitake kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid nuong sabado, ulat ng Fuji TV.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang pamilya na mula pa sa Saitama Prefecture ay umakyat sa bundok upang mag-punta sa isang shrine nuong umaga ng sabado. Bandang alas-2:00 ng hapon nuong sila ay pababa na, na-una nang tumakbo ang bata habang tumigil sandali ang kanyang ama upang itali umano ang sintas ng kanyang sapatos.

&nbsp10 taong gulang na bata natagpuan na matapos mawala ng 22 ka-oras sa kabundukan
Mount Mitake (News TBS)

Maaaring tumakbo ng napaka-layo ang bata na nag-resulta upang hindi na siya makita ng kanyang pamilya. Tumawag na agad ng saklolo ang sa 119 ang ama ng bata.

Natagpuan ng mga searchers ang bata na naka-upo sa isang bato sa tabi ng batis bandang hapon ng linggo. Ang bata ay nasa Northwest banda ng bundok, mahigit 1.4 km mula sa lugar kung saan siya huling nakita. Maliban sa galos sa mukha, walang pinsalang natamo ang bata, ayon sa mga awtoridad.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund