Nag-simula ng mag-sanay ang Amphibious Troop Unit ng Japan kasama ang Marine Self-Defense Force nuong Martes upang mapa-buti nila ang kanilang kakayahang pang-taktika na maka-lusob sa pampang na hawak ng mga kalaban.
Ang pag-sasanay ay magpapa-tuloy hanggang sa ika-24 ng Mayo sa timog-kanluran ng Japan, ay ang pinaka-una mula ng ilunsad ang Ground Self-Defense Force’s Amphibious Rapid Deployment Brigade nuong Marso, Ayon sa Defense Ministry. Ang pangunahing mission ng unit ay ang ipag-tanggol ang mga malalayong isla ng bansa laban sa Maritime assertiveness o pag-pipilit ng bansang Tsina.
“Plano ng tropa na pag-tibayin ang abilidad ng Self-Defense Force na magsa-gawa ng mga Amphibious operations sa pamamagitan ng pag-sasagawa ng mga drills sa pagitan ng GSDF at MSDF,” ayon sa Defense Minister na si Itsunori Onodera sa isang press conference.
Mahigit 450 miyembro ng GSDF Amphibious Brigade at iba pang mga unit ang makiki-lahok sa pag-sasanay. Ayon sa GSDF, kasali sa pag-sasanay na ito ang Amphibious Assault Vehicle, MSDF Helicopter Carrier Hyuga at transport ship Shimokita.
Ang Amphibious Fighting Force ay nag-simula ng pag-sasanay kasama ang mahigit na 2,100 na miyembro nito. Ang mga ito ay naka-talaga sa GSDF Camp Ainoura sa Sasebo, Nagasaki Prefecture.
Nababahala ang Japan sa patuloy ba pag-lawak ng aktibidad ng kilusang militar ng bansang Tsina sa mga karagatan at himpapawid sa mga maliliit na isla ng Senkaku na pinamumunuan ng Japan. Ang mga islang tinutukoy ay nasa East China Sea. Ito ay tinawag na Daioyu ng bansang Tsina.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation