10th InterMie Sports Festival sa Suzuka City

Isang matagumpay na sports event, hatid ng UFPA

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nuong linggo ika-15 ng Abril, taong 2018, idinaos ang ika-10 anibersaryo ng InterMie Sports Festival sa Seibu Gymnasium sa Suzuka City. Ang nasabing palaro ay pinamumunuan ng United Filipinos for Peace and Advancement (UFPA) Suzuka Chapter.

Ang adhikain ng nasabing organisasyon ay pag-bukludin ang mga pilipino at pag-yamanin ang naka-gawiang kaugalian ng tunay na pilipino, ito ay ang pagkakaroon ng pakiki-sama, pala-kaibigan at pakikipag-kapwa tao. Layunin din ng nasabing grupo ang mapalapit at magkaroon ng magandang pakikipag-kapwa sa mga ibang dayuhan na naninirahan din dito sa Japan.

Nag-simula ang ligang ito nuong taong 2008. Pina-iiral sa nasabing palaro ang pagkakaroon ng sportsmanship at disiplina sa sarili ang bawat mang-lalaro. Nuong araw na iyon ay aming naka-panayam ang isa sa mga namumuno sa nasabing organisasyon na si G. Ramon Dedase. Sinabi ni G. Dedase na sa 10 taon ng kanilang palaro wala pang naitalang pagkaka-roon ng away o pisikal na pinsala ang kanilang mga manlalaro.

Hindi lamang ito ang ginagawa ng nasabing organisasyon, mayroon din sila youth organization na Youth Ethical Society (YES). Ang adhikain naman ng nasabing organisasyon ng mga bata ay ang manatiling PURE hanggang sa sila ay maikasal. Ito ay nag-sisilbi gabay ng mga kabataan na lumaki sa matuwid na daan at tamang pamamaraan.

10th InterMie Sports Festival sa Suzuka City

Bago maka-sali sa nasabing palaro, kina-kailangan na sumailalim sa orientation upang mai-mulat ang mang-lalaro sa layunin ng nasabing organisasyon.

6 na koponan ang nag-laro nuong araw na iyon. Ang bawat isa ay nag-pakita ng kani-kanilang galing.

Achilles vs ABFARLT sa score na 58-55

Star vs Spartans sa score na 60-45

Supermoon vs Lumads sa score na 68-63

Congratulations sa mga nanalo at job well done para sa mga ibang team.

Titans
Team Star
Red Supermoon

Para sa karagdagang impormasyon sa mga iba’t-ibang aktibidad ng UFPA maari ninyo kausapin sina G. Ramon Dedase, G. Eddie Caringal at G. Roy Carumba sa Inter Mie SportsFest group sa facebook.

Maraming salamat po at aasahan namin ang tagumpay ng inyong samahan.

Mabuhay po kayo!

By Sarah and Marco Bartolome/ Portal Japan

See more photos by clicking the numbers of galleries.
NEXT GALLERY
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund