Mystery donor, nagpadala ng 100 milyon yen sa Ehime government
Ang isang hindi nagpakilalang donor ay nagpadala ng mahigit 100 milyon yen, o mga 910,000 dolyar, sa gobyerno ng Ehime Prefecture sa western Japan. Isang cardboard box na naglalaman ng mga bundle ng 10,000 yen bill, na nakatalaga kay Ehime Governor Tokihiro Nakamura, ay inihatid noong Enero 29.





