4 na prefecture ng central Japan, tutulungan ang mga dayuhang turista na makauwi sa oras ng kalamidad
Apat na prefecture sa gitnang Japan ang sumang-ayon na maghanda ng sistema para tulungan ang mga dayuhang turista na makauwi sa oras ng kalamidad, bilang bahagi ng pagtugon para sa isang potensyal na Nankai Trough megaquake at iba pang malalaking kalamidad.





