Pilipino sa Gifu hinuli dahil sa ilegal na pagpapautang at pagkuha ng mga passport bilang collateral
Nagpapautang ng malaking halaga at ang passport ang ginagawang garantiya sa utang. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal dito sa Japan at sa iba pang bansa. Nahuli din kamakailan ang mismong suspect sa kaso naman ng ilegal na pagbebenta ng gamot galing sa Pilipinas na walang permit.





