Driver’s lisence exam na nasa wikang Vietnamese, sinuspinde dahil na leak ang answer sa test

Itinigil ng mga awtoridad sa Chiba Prefecture ang pagbibigay ng driver's license exam sa wikang Vietnamese matapos makumpirmang kumalat ang mga tanong sa pagsusulit.

Driver’s lisence exam na nasa wikang Vietnamese, sinuspinde dahil na leak ang answer sa test

Pansamantalang sinuspinde ng Chiba Prefectural Police ang pagbibigay ng written driver’s license exam sa wikang Vietnamese. Ito ay matapos makumpirmang may mga leak o pagtagas ng mga tanong sa pagsusulit.

Ayon sa ulat, natuklasan ng mga awtoridad na ang mga tanong na ginagamit sa pagsusulit ay kumalat sa publiko. Dahil dito, hindi muna tatanggap ng mga aplikante na kukuha ng pagsusulit sa nasabing wika upang matiyak ang integuridad ng proseso.

Imbestigasyon sa insidente

Sinimulan na ng mga opisyal ang malalimang imbestigasyon kung paano nakalabas ang mga kumpidensyal na materyales ng pagsusulit. Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng petsa ang pulisya kung kailan muling magbubukas ang serbisyo para sa mga aplikanteng Vietnamese.

Pinapayuhan ang mga apektadong aplikante na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na driver’s license center sa Chiba para sa mga update at karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga appointment.