Tokyo, pagaga-anin ang restriksyon sa alak

Plano ng metropolitan government na mag-bigay ng mahigit 1,800 dolyares kada araw, depende sa laki at iba pang kundisyon sa mga establisyementong nais sumunod sa kanilang kahilingan.

Ang Tokyo Metropolitan Government ay papayagan ang ilang kainan sa metropolis na mag-silbi ng serbesa mula Oktubre, at papayagang mag-operate hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang hakbang ang kaakibat sa pag-takda ng central government na pag-tatapos ng coronavirus state of emergency ngayong Huwebes, sa lahat ng 19 prepektura na sumasa-ilalim nito kabilang na ang Tokyo.

Plano ng mga opisyales ng Tokyo na pagaanin ang mga restrikyon nang dahan-dahan. Sinabi nila na ang mga establisyamento maaari lamang mag-silbi ng serbesa ay ang mga certified lamang at mayroong full anti-infection measure, ito ay mag-sisimula na sa Biyernes.

Sila ay papayagang mag-operate hanggang alas-9:00 ng gabi at maaari lamang tumanggap ng hanggang 4 na katao kung ang mga ito ay darating bilang isang grupo.

Pinag-uuapan pa ng mga Tokyo officials kung nararapat bang bigyang limit sa oras ang pag-sisilbi ng alak.

Para naman sa mga uncertified establishments, ipag-uutos ng mga opisyal na huwag silang pag-benta ng alak at kinakailangan na sila ay mag-sara pag-sapit ang alas-8:00 ng gabi.

Ayon sa mga opisyales, ang hakbang ay dapat na maipa-tupad sa loob ng tatlong linggo. Plano ng metropolitan government na mag-bigay ng mahigit 1,800 dolyares kada araw, depende sa laki at iba pang kundisyon sa mga establisyementong nais sumunod sa kanilang kahilingan.

Source and Image: NHK World Japan