Lalaki, 28, inakusahan nang ilegal na pag-video sa Odakyu

Ginawa ko ito dahil walang tao sa paligid!

Tokyo- Inulat ng Fuji Network News (Hunyo 19), ang isang 28 anyos na lalaki dahil sa umano’y ipinag-babawal na pag-gawa ng video sa isang babae sa platform ng riles sa Lungsod ng Machita.

Noong Mayo 6, si Ryotaro Kaneko, diumano’y gumamit ng smartphone upang kumuha ng tosatsu o footage ng babae edad 21 sa isang platform sa Odakyu Odawara Line at Tsurukawa Station.

Dahil sa State of Emergency kakaunti ang mga commuter sa lugar.

” Ginawa ko ito dahil walang tao sa paligid!” , saad ni Kaneko sa pulisya sa kanyang pag-amin sa mga paratang.

Ayon sa patuloy na pagsisiyasat ng kapulisan , nakitaan pa ng ibang pang video ng iba pang babae sa smartphone ng suspek.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter