Isang lalaki ang namukpok ng ashtray at ninakawan pa ang biktima

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nang-gulpi at tumangay sa pera ng kanyang nabiktima.

Isang dumadaan lamang ang tumawag ng pulis pasado ala-5:00 ng hapon upang i-report ang isang malakas na pag-tatalo na maririnig mula sa loob ng gusali sa Ueno. Sinabi ng pulis na ginulpi ng lalaking walang t-shirt ang biktima sa pamamagitan ng pag-hampas dito ng ashtray at nagawa pang tangayin ang pera ng biktima. Ayon sa ulat hindi naman nag-tamo ng malalang pinsala ang biktima.

Source: Japan Today

Image: Tokyo Reporter