Patakaran sa mga dayuhan sa Japan, target tapusin sa Marso
Inaasahang ilalabas na ng gobyerno ng Japan ang pinal na polisiya nito para sa mga foreign resident bago matapos ang Marso ng susunod na taon.
Target ni Sanae Takaichi na mabuo at pinalin ang bagong polisiya ng Japan para sa mga foreign resident bago sumapit ang Marso.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng paghahanda ng gobyerno sa pagbabago ng sistema para sa mga dayuhang naninirahan at nagtatrabaho sa bansa. Layunin ng nasabing polisiya na maging mas malinaw ang mga alituntunin para sa mga dayuhang residente sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa iba’t ibang sektor ng Japan.
Pagtuon sa mga Foreign Resident
Inaasahang magiging prayoridad ng administrasyon ang pagbalanse sa pangangailangan ng bansa para sa lakas-paggawa at ang maayos na integrasyon ng mga dayuhan sa lipunang Hapon.
Bagama’t wala pang detalyadong nilalaman ang ilalabas na polisiya, inaasahang tatalakayin nito ang mga aspeto ng visa status, suporta sa pamumuhay, at iba pang regulasyong direktang makakaapekto sa mga foreign national na kasalukuyang nasa Japan.





