
Arestado ang isang babaeng Pilipina na suspek dahil sa pagbenta ng mga pekeng branded goods at pinapalabas na tunay ang mga ito.
Ibinebenta ng suspect ang mga branded good sa kanyang social media.
Ang suspek na naaresto sa hinala ng paglabag sa Trademark Act ay isang 50-anyos na self-employed woman na may Filipino nationality na naninirahan sa Hodatsu Shimizu Town, Ishikawa Prefecture.
Ang suspek na ito ay pinaghihinalaang nagtataglay ng maraming pekeng branded products para ibenta ang mga ito noong ika-20 ng buwang ito.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay pinaniniwalaang nagpapanggap na tunay ang mga branded goods na kanyang binibenta, at natuklasan ang insidente sa pamamagitan ng impormasyon mula sa customer na nakabili sakanya at nalaman mga peke pala ang binibenta nito.
Bilang tugon sa imbestigasyon, inamin ng suspek ang mga paratang, na nagsasabing, “Alam ko na peke ang mga binibenta ko.”
Iniimbestigahan din ng pulisya kung paano nakuha ang produkto at kung ito ay isang organisadong krimen.














Join the Conversation