
Tatlong 17-taong-gulang na lalaki ang inaresto noong Linggo kaugnay ng isang pagnanakaw na naganap sa Shizuoka Prefecture noong Disyembre.
Ayon sa pulisya ng Shizuoka prefectural, high school student na Pilipino, isang company worker, at isang plasterer na pawang mula sa Kanagawa Prefecture ang pinaghihinalaang nanakit sa isang mag-asawa at kumuha ng humigit-kumulang ¥10 milyon na pera mula sa kanila.
Naganap ang krimen sa bahay ng mag-asawa, na siyang punong-himpilan ng kanilang kompanya ng konstruksyon, sa Nagaizumi, Shizuoka Prefecture, noong Disyembre 22. Idinikit ang adhesive tape sa mga bibig at pulso ng mag-asawa, at bahagyang nasugatan ang 83-taong-gulang na lalaking biktima.
Hindi pa sinasabi ng pulisya kung inamin o itinanggi ng mga suspek ang mga paratang.
Pinaghihinalaan ng pulisya na ang kaso ay maaaring konektado sa mga kriminal na grupo na tinatawag na “tokuryu,” na hindi nagpapakilala at pabago-bago, kung saan paulit-ulit na nagsasama-sama ang mga miyembro sa pamamagitan ng social media at naghihiwalay, kaya mahirap matukoy ang mga pangunahing suspek.
Ayon sa mga imbestigador, ang tatlo ay magkakilala at tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen sakay ng kotse. Hinala ng pulisya na may ibang indibidwal na nakakuha ng impormasyon tungkol sa mga ari-arian ng mga biktima at nagsilbing utak at drayber.















Join the Conversation