
Isang Pinay at lalaking Hapon ang namatay nang intensyonal na mansagasa ang isang sasakyan sa Tokyo. Bukod sa dalawang namatay, 9 katao din ang kasamang nasagasaan at kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.
Inihayag ng Tokyo Metropolitan Police Department na ang mga biktima sa aksidente sa Adachi Ward ng Tokyo, ay isang 81-taong-gulang na lalaki at isang 28-taong-gulang na babaeng Pilipino.
Noong ika-24, isang sasakyan ang bumangga sa isang bangketa sa isang national highway sa Adachi Ward, na ikinamatay ng dalawang tao at ikinasugat ng siyam na iba pa, ang ilan ay malubhang nasugatan.
Kinilala ng Tokyo Metropolitan Police Department ang dalawang namatay na sina Kenji Sugimoto, isang residente ng Adachi Ward ng Tokyo, at Testado Gladys Grace Lotacchio, 28, isang company worker na Pilipino.
Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police Department ang isang 37-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pagnanakaw ng sasakyan na nagdulot ng aksidente mula sa isang dealership ng sasakyan, at maingat na iniimbestigahan ang kaso, kabilang ang kung maaari siyang managot sa kasong kriminal, dahil naniniwala silang hindi aksidente kundi intesyonal na nansagasa siya ng tao.
















Join the Conversation