Lalaki, arestado sa paghahalo ng ihi sa hand soap sa drugstore toilet sa Hokkaido

Inaresto ng mga pulis sa Nakashibetsu, Hokkaido ang isang 58 anyos na walang trabaho dahil sa hinala ng mapanlinlang na obstruction of business matapos nitong ihalo ang ihi sa hand soap sa isang drugstore toilet. #PortalJapan see more ⇩⇩⤵⤵

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, arestado sa paghahalo ng ihi sa hand soap sa drugstore toilet sa Hokkaido

Inaresto ng mga pulis sa Nakashibetsu, Hokkaido ang isang 58 anyos na walang trabaho dahil sa hinala ng mapanlinlang na obstruction of business matapos nitong ihalo ang ihi sa hand soap sa isang drugstore toilet.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Kazuyoshi Tateoka ang paratang at sinipi siya na nagsabing, “Ginawa ko ito upang magdulot ng problema sa mga tao,” iniulat ng Hokkaido Broadcasting Corp.

Ayon sa pulisya, pinaghalo ni Tateoka ang ihi sa bote ng hand soap sa multi purpose toilet ng drugstore noong gabi ng Nobyembre 18.

Ayon sa ulat ng pulisya, nauna nang naiulat ng drugstore ang mga insidente ng discolored hand soap. Isang empleyado ng tindahan ang nagbibigay pansin sa mga customer na gumagamit ng banyo at napansin niyang nagbago ang kulay ng hand soap matapos lumabas ng toilet si Tateoka.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund