Former Philippine President Duterte, nasa kustodiya ICC

Inilipat na sa kustodiya ng International Criminal Court sa The Hague si dating Pangulong Rodrigo Duterte. #PortalJapan see more ⇩⇩⤵⤵

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFormer Philippine President Duterte, nasa kustodiya ICC

Inilipat na sa International Criminal Court sa The Hague si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng ICC noong Miyerkules na kinuha siya nito sa kustodiya at ipinadala siya sa isang detention facility.

Inimbestigahan ng ICC si Duterte sa hinala ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang “war on drugs” crackdown na nagresulta sa libu libong pagkamatay. Naglabas ng arrest warrant ang korte para kay Duterte noong nakaraang Biyernes.

Sakop nito ang panahon mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019, kung kailan opisyal na umatras ang Pilipinas sa ICC.

Inaresto ng mga awtoridad ng Pilipinas ang dating lider at ipinadala sa Netherlands. Dumating siya sa Rotterdam noong Miyerkules.

Sinabi ng punong tagausig ng ICC na si Karim Khan sa isang pahayag, “Ito ay isang mahalagang hakbang sa aming patuloy na gawain upang matiyak ang pananagutan para sa mga biktima ng pinakamalubhang krimen sa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC.”

Ipinaskil ni Duterte sa social media ang isang video na tila kinuha sa loob ng eroplano bago siya ipinasa sa ICC.

Dito, aakuin daw niya ang responsibilidad sa lahat. Dagdag pa niya, “Ito ay magiging mahabang legal proceedings at sinasabi ko sa inyo, patuloy akong maglilingkod sa aking bayan.”

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund