Pinoy inaresto sa kasong trespassing at arson, nang pinasok at sinunog ang isang shed sa Gifu

Isang Pilipinong lalaki ang inaresto sa Seki City, Gifu Prefecture, noong Nobyembre sa kasong trespassing at arson nang dahil sa pagpasok sa isang shed at pagsunog nito. #PortalJapan see more⇩⇩⤵⤵

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinoy inaresto sa kasong trespassing at arson, nang pinasok at sinunog ang isang shed sa Gifu

Isang Pilipinong lalaki ang inaresto sa Seki City, Gifu Prefecture, noong Nobyembre sa kasong trespassing at arson nang dahil sa pagpasok sa isang shed at pagsunog nito.
Ang suspek na inaresto sa hinalang pagpasok at panununog sa isang abandonadong shed ay si Alemania John Ol Resurrection (31), isang empleyado ng kumpanya na may Filipino nationality na nakatira sa Minokamo City.

Ayon sa pulisya, si Alemania ay pinaghihinalaang nanloob sa isang de-kahoy na may metal frame na shed sa Nishitawara, Seki City, noong ika-3 ng Nobyembre ng nakaraang taon at sinunog ito. Itinanggi niya ang mga paratang sa panahon nang siya ay iniiembestigahan.

Kinilala ng pulisya si Alemania gamit ang footage ng security camera mula sa lugar.

Sa pagitan ng katapusan ng Oktubre at unang bahagi ng Nobyembre noong nakaraang taon, nagkaroon ng dalawang sunog sa lugar na kinasasangkutan ng mga rice husks at bodega, at iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan ang mga ito.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund