Wanted ang isang lalaking pinaghihinalaang nagpaputok ng baril sa isang road rage sa Tokyo

Isang lalaki ang nagpaputok ng baril sa isang kalsada sa Tokyo noong Miyerkules matapos makipag-away sa isa pang driver #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspWanted ang isang lalaking pinaghihinalaang nagpaputok ng baril sa isang road rage sa Tokyo

Isang lalaki ang nagpaputok ng baril sa isang kalsada sa Tokyo noong Miyerkules matapos makipag-away sa isa pang driver, sabi ng pulisya.

Hindi naman nasaktan ang driver na nasa edad 40 sa insidente dakong alas-2:40 ng madaling araw sa Chofu sa kanluran ng kabisera. Nagkasagutan ang dalawa matapos muntik nang magbanggaan ang kanilang mga sasakyan, at nagbanta ang lalaki na papatayin ang isa pang driver habang pinaputukan siya nito, ayon sa pulisya.

Pinaghahanap na ng pulisya ang lalaking tumakas sa lugar na sakay ng isang itim na sasakyan dahil sa hinalang tangkang pagpatay. Mukhang nasa 40’s na siya, may taas na humigit-kumulang 170 sentimetro, at nakasuot ng madilim na kulay na sumbrero at salamin.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund