Isang steel frame ang nahulog sa isang construction site sa central Tokyo, na ikinasawi ng dalawang manggagawa at tatlong sugatan.
Sinabi ng pulisya ng Tokyo na nangyari ang insidente sa construction site ng isang gusali sa isang commercial district malapit sa Tokyo station.
Limang lalaking construction worker anila ang sangkot sa insidente.
Dalawa sa kanila na nasa edad 30 at 40 ang namatay. Ang isa ay nananatiling walang malay at nasa kritikal na kondisyon, habang dalawa pa sa edad na 20 ang sugatan ngunit nananatiling may malay.
Apat sa mga manggagawa ang tila nahulog mula sa ikapitong palapag hanggang sa ikatlo nang bumagsak ang istraktura ng bakal.
Ang construction site ng 51-palapag na mataas na gusali ay matatagpuan sa isang busy business district malapit sa JR Tokyo terminal. Ito ay bahagi ng isang plano sa muling pagpapaunlad para sa mga lugar sa paligid ng istasyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation