TOKYO — Dahil idineklara na tapos na ang tag-ulan sa Japan at papasok na ang matinding init ng summer mas maraming tao ang nagkaka-heatstroke, at dumami ang kumukuha ng “heatstroke insurance” ng PayPay app.
Ayon sa PayPay Insurance Services Corp., sa loob ng grupo ng mga kumpanya ng Z Holdings Corporation, ang bilang ng mga aplikante para sa heatstroke insurance nito ay tumalon mula 20,000 noong Hulyo 9 hanggang mahigit 30,000 noong Hulyo 23. “Habang umiinit ang panahon, mas maraming tao ang nag-a-apply, “sabi ng isang opisyal.
Halos kalahati ng mga aplikasyon ay iniulat na para sa mga miyembro ng pamilya tulad ng mga asawa, mga anak (bilang paghahanda para sa kanilang mga aktibidad sa paaralan) at matatandang magulang na nakatira sa ibang lugar.
Maaaring mag-sign up ang mga user ng PayPay cashless payment app sa pamamagitan ng internal app na PayPay Insurance. Available ang heatstroke insurance plan sa pagitan ng Abril at Oktubre. Para sa mga kurso kung saan pinipili ng mga user ang haba ng kanilang plano, ang gastos ay magsisimula sa 100 yen (tinatayang $0.70) bawat araw. Kapag nagpapasok ng plano bago ang 9 a.m., magkakabisa ang insurance sa 10 a.m. sa parehong araw. Kung magkakaroon ng heatstroke ang isang taong may insurance, sasakupin ng app ang 10,000 yen (mga $71) para sa mga drip treatment at 30,000 yen (humigit-kumulang $212) para sa mga pagstay sa ospital ng hindi bababa sa 2 days 1 night.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang mga espesyal na emergency na alerto sa heatstroke ay inilabas sa iba’t ibang lugar sa buong Japan mula pa noong simula ng Hulyo, na nagbabala sa mapanganib na init. Ang Fire and Disaster Management Agency, isang panlabas na ahensya ng Ministry of Internal Affairs and Communications, ay nananawagan para sa wastong paggamit ng air conditioning at masusing pag-inom ng mga likido bago makaramdam ng uhaw upang maiwasan ang heatstroke.
(Orihinal na Japanese ni Tatsuya Michinaga, Business News Department)
Join the Conversation