Vietnamese arestado dahil sa umano’y pag-abandona sa katawan ng bagong silang na baby

Inaresto ng pulisya ang isang 34-anyos na lalaking Vietnamese dahil sa hinalang pag-abandona ng bangkay ng bagong panganak na baby sa tabing ilog sa Saitama Prefecture malapit sa Tokyo. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng pulisya ang isang 34-anyos na lalaking Vietnamese dahil sa hinalang pag-abandona ng bangkay ng bagong panganak na baby sa tabing ilog sa Saitama Prefecture malapit sa Tokyo.

Sinabi ng pulisya na tumawag ang lalaki noong Miyerkules ng umaga at sinabing nasa malubhang kondisyon ang kanyang asawa.

Nang dumating ang isang emergency team sa kanilang tahanan sa bayan ng Yorii, duguan at namamalipit sa sakit kanyang asawang Vietnamese. Siya ay kasalukuyang naospital.

Sinabi ng lalaki sa pulisya na nanganak ang kanyang asawa pero stillborn ang sanggol at siya ang ama.
Batay sa kanyang paliwanag, hinalughog ng mga imbestigador ang pampang ng ilog ng Arakawa at natagpuan ang bangkay ng bagong panganak.

Pinaghihinalaan nila na maaaring sinadya ng lalaki na gumawa ng libingan dahil may mga inilagay na mga bato sa lugar

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund