Batang lalaki, natagpuang patay sa Kobe, maaaring na abuso

Sinabi ng pulisya na mayroon siyang mga pasa na karamihan ay nasa  kanyang likod at mga likas na katangian ng mga pinsala na nagpapahiwatig na siya ay ina-abuso.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBatang lalaki, natagpuang patay sa Kobe, maaaring na abuso

Isang 6 na taong gulang na batang lalaki na natagpuang patay noong Huwebes sa labas ng Kobe, kanlurang Japan, na tila namatay sa shock dulot ng mga pinsala.

Natagpuan ang bangkay ni Hosaka Nao sa isang maleta sa isang madamong lugar malapit sa kanyang tahanan.

Sinabi ng pulisya na mayroon siyang mga pasa na karamihan ay nasa  kanyang likod at mga likas na katangian ng mga pinsala na nagpapahiwatig na siya ay ina-abuso. Tinatantiyang namatay ang bata nuong Lunes.

Inaresto ng pulisya ang 34-anyos na ina ng batang lalaki, si Hosaka Saki, at ang kanyang tatlong kapatid na nakatira sa iisang bahay dahil sa hinalang pag-kulong at pananakit sa lola ni Nao, nag-eedad ng 57. Nakatira rin ito sa nasabing bahay.

Sinabi niya na hinampas siya ng apat na suspek sa likod at ito ay  pinaniniwalaang bakal na tubo noong Lunes, sa parehong araw na tinatantiyang namatay ang bata.

Tumakas siya mula sa bahay habang wala ang mga suspek, at nailigtas sa isang kalye noong Martes ng gabi.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan ang dalawang kaso.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund