13-anyos na estudyanteng sinaksak sa Tokyo, suspek arestado

Inaamin umano ng suspek ang paratang laban sa kanya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp13-anyos na estudyanteng sinaksak sa Tokyo, suspek arestado

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang lalaki na hinihinalang sumaksak sa isang 13-anyos na batang lalaki.

Sinaksak sa dibdib ang junior high school student noong Miyerkules sa Ota Ward, central Tokyo. Nakasuot ng uniporme ang bata at pinaniniwalaang papunta sa paaralan.

Sinabi ng pulisya na siya ay may malay nang siya ay isinugod sa ospital.

Ayon sa pulisya, may nakitang kutsilyo na may bahid ng dugo malapit sa pinangyarihan ng insidente. Inaresto nila ang 61-taong-gulang na si Yamashita Yasunori, na nakita malapit sa site, dahil sa hinalang nagdulot ng pinsala.

Inaamin umano ng suspek ang paratang laban sa kanya.

Naganap ang insidente sa isang residential area mga 400 metro sa kanluran ng Kamata Station. Ilang paaralan ang malapit sa lugar ng pinangyarihan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund