Domestic travel sa Japan ibabalik na sa pre-COVID levels

Nagsagawa ang JTB ng survey ng mga plano sa holiday mula sa huling bahagi ng Abril hanggang unang bahagi ng Mayo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDomestic travel sa Japan ibabalik na sa pre-COVID levels

Ang pinakamalaking ahensya sa paglalakbay sa Japan ay nagsabi na ang bilang ng mga tao na bumibisita sa mga lokal na destinasyon sa darating na holiday ng tagsibol ay nasa antas ng pre-pandemic. Ngunit inaasahan nito na ang mga numero para sa internasyonal na paglalakbay ay mananatiling mababa.

Nagsagawa ang JTB ng survey ng mga plano sa holiday mula sa huling bahagi ng Abril hanggang unang bahagi ng Mayo. Napag-alaman na humigit-kumulang 24.5 milyong tao ang bibisita sa mga lokal na destinasyon sa panahong iyon. Tumaas iyon ng 53 porsiyento mula noong nakaraang taon, at halos pareho sa bilang mula 2019.

Nalaman din ng survey na maraming tao ang nagpasyang kumuha ng mas maiikling biyahe. Tatlumpu’t siyam na porsyento ang planong maglakbay ng dalawang araw, at 33 porsyento sa loob ng tatlong araw.

Ngunit hindi pa rin ganap na nakaka-recover ang outbound international travel. Dalawang daang libong tao ang nagpaplanong pumunta sa ibang bansa, humigit-kumulang one-fifth ng figure mula 2019. Sinasabi ng JTB na ito ay dahil pinipili ng mga tao na bumisita sa mas malalapit na destinasyon sa gitna ng mas mataas na presyo ng paglalakbay.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund