Babae arestado, dahil sa pagsunog ng silid sa kanyang apartment sa Iwate

Inamin niya na siya ang nagsimula nito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabing motibo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

IWATE- Inaresto ng pulisya sa Hanamaki, Iwate Prefecture, ang isang 36-anyos na babaeng walang trabaho dahil sa hinalang panununog matapos niyang sunugin ang kanyang silid sa apartment kung saan siya nakatira kasama ang kanyang asawa at ina.

Ayon sa pulisya, sinimulan ni Asami Sugawara ang sunog dakong ala-1:50 ng madaling araw noong Sabado. Iniulat ng lokal na media na may isang dumadaan ang nakakita ng usok na lumabas sa unang palapag ng apartment at tumawag sa 119.

Si Sugawara at ang kanyang asawa, na natutulog sa ibang silid, ay lumabas ng gusali, habang ang kanyang ina ay wala sa oras na iyon. Bahagyang natupok ng apoy ang mga dingding ng apartment ngunit walang nasugatan at walang ibang apartment sa municipal apartment building ang naapektuhan.

Nang tanungin ng pulisya si Sugawara tungkol sa sunog, inamin niya na siya ang nagsimula nito ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabing motibo.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund