Fashion model na si Jessica Michibata inaresto sa hinalang drug possession sa Tokyo

Inaresto ang fashion model na si Jessica Michibata dahil sa hinalang possession of synthetic drug na MDMA noong Marso 20. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFashion model na si Jessica Michibata inaresto sa hinalang drug possession sa Tokyo

TOKYO — Inaresto ang fashion model na si Jessica Michibata dahil sa hinalang possession of synthetic drug na MDMA noong Marso 20.

Inaresto ng Metropolitan Police Department (MPD) si Michibata, 38, dahil sa hinalang paglabag sa narcotics special measures law.

Ayon sa investigative sources, pinaghihinalaang siya ay nagmamay-ari ng MDMA sa isang silid ng hotel sa Tokyo, kung saan siya ay tumutuloy kasama ang isang kakilala.

Natagpuan ng mga opisyal ng Tokyo Customs ang droga na nakatago sa isang pakete na dumating mula sa ibang bansa at naka-address sa kakilala.  Nang maihatid ang package sa hotel, sinalakay umano ng mga imbestigador ng MPD ang silid at inaresto si Michibata at ang kanyang kakilala.
(Japanese original ni Nana Hayashida at Ryo Endo, Tokyo City News Department)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund