Arestado ang isang ina matapos saksakin sa likod ang 10-anyos na sariling anak

Inaresto ng pulisya sa Chiba City ang isang 46-anyos na babae, walang trabaho, dahil sa hinalang tangkang pagpatay matapos niyang saksakin sa likod ang kanyang 10-anyos na anak. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspArestado ang isang ina matapos saksakin sa likod ang 10-anyos na sariling anak

CHIBA

Inaresto ng pulisya sa Chiba City ang isang 46-anyos na babae, walang trabaho, dahil sa hinalang tangkang pagpatay matapos niyang saksakin sa likod ang kanyang 10-anyos na anak.

Nangyari ang insidente dakong alas-4:20 ng umaga noong Sabado, iniulat ng Kyodo News.  Sinabi ng pulisya na tumawag sa 119 ang panganay na anak ng babae at sinabing ilang beses na sinaksak ng kanyang ina ang likod ng kanyang kapatid gamit ang kutsilyo.

Sumugod ang mga pulis sa pinangyarihan at natagpuan ang batang lalaki na may ilang mga tama ng kutsilyo sa kanyang likod sa kanyang unang palapag na kwarto.

Dinala siya sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang kanyang mga sugat ay hindi life threatening.

Nasa bahay noon ang asawa ng babae ngunit natutulog sa ikalawang palapag nang mangyari ang insidente.

Sinabi ng pulisya na sa ngayon ay wala pang ibinibigay na motibo ang babae kung bakit niya sinksak ang kanyang anak.
© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund