Share
CHIBA
Sinasabi ng branch ng East Japan Railway Co (JR East) Chiba na ang isang lalaking konduktor na nasa edad na 60 ay nahaharap sa pagdidisiplina dahil sa paninigarilyo habang naka duty sa railway ng Keiyo line.
Sinabi ng JR East na ilang beses umano manigarilyo ang konduktor habang naka-duty, iniulat ng Kyodo News. Sa pinakahuling insidente, ang konduktor ay nagtatrabaho sa Keiyo Line rapid service mula Tokyo hanggang Soga Station noong Enero 7. Bandang 1:40 p.m., nang dumaan ang train sa Shin-Urayasu Station, nakita siyang naninigarilyo sa loob ng crew cabin.
Ang isang pasahero sa train ay agad na nag-post na ang konduktor ay naninigarilyo ng isang e-cigarette sa website ng JR East.
© Japan Today
Join the Conversation