Tennis star na si Osaka Naomi inanunsyo ang kanyang pagbubuntis

Ang dating world number one tennis player na si Osaka Naomi ay nag-anunsyo na siya ay nagdadalang-tao, ilang araw lamang matapos siyang huminto sa Australian Open ngayong buwan. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTennis star na si Osaka Naomi inanunsyo ang kanyang pagbubuntis

Ang dating world number one tennis player na si Osaka Naomi ay nag-anunsyo na siya ay nagdadalang-tao, ilang araw lamang matapos siyang huminto sa Australian Open ngayong buwan.

Inihayag ni Osaka ang balita noong Miyerkules sa Twitter sa English at Japanese na sinamahan ng isang imahe ng isang sonogram.
Nag-tweet siya, “Ang bawat araw ay isang bagong blessing at pakikipagsapalaran,” at “isang bagay na inaabangan ko ay ang panoorin ng aking anak ang isa sa aking mga laban at sabihin sa isang tao, ‘iyan ang aking ina.'”

Sinabi pa ni Osaka na umaasa siyang makita ang kanyang mga tagahanga sa simula ng susunod na taon dahil sasabak siya sa 2024 Australian Open.  Tinapos niya ang post sa pagsasabing, “Love you all infinitely.”

Si Osaka, 25, ay hindi na sumabak sa mga world tour event mula nang makilahok sa isang ginanap sa Tokyo noong Setyembre.
Siya ay nanalo ng apat na Grand Slam na torneo at kasalukuyang ika-47 sa mundo.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund