Plano ng Japan na taasan ang Covid entry cap ng mga bumibisita sa bansa ng 50,000 simula sa Sept. 7

Ang Japan ay patuloy na nakikipag-laban sa 7th wave of coronavirus infections ngunit nais ni Kishida na ipursige ang ekonomiya ng bansa. Sa kabila nang mataas na bilang ng impeksyon, walang antivirus restrictions ang ibinaba.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (KYODO)– tataasan ng Japan ang arawang entry cap ng mga arrivals sa 50,000 mula sa kasalukuyang bilang na 20,000 mula ika-7 ng Septyembre upang paluwagin ang strict COVID-19 border controls, pahayag ni Prome Minister Fumio Kishida nitong Miyerkules.

Nahuhuli na ang bansa sa ibang major economies upang muling buksan ang kanilang pintuan sa mga papasok na turista sa bansa, hindi na kinakailangan ng mga dayuhang turista nang tour guide upang maka-pasok nang bansa, ani ni Kishida “Nakita na natin ang international exchanges na dumaragdag sa traction sa iba’t-ibang parte ng mundo. Tataasan natin ang arawang bilang ng mga bagong dating na dayuhan na papasok sa bansa sa 50,000 simula Sept. 7 upang masali sa uso at masiguradong maramdaman ang benepisyo ng kahinaan o bagsak na yen.”

“Upang maging maayos ang pag-pasok ng mga turista mula sa Group of Seven nation, patuloy namin pagagaanin ang border control measure sa pamamagitan ng pag take into account ang sitwasyon ng impeksyon sa bansa at sa pinanggalingang bansa, ang pangangailangan ng mga byahero at ang border measures na isinasagawa  ng ibang nasyon,” sabi ni Kishida. Hindi naman niya nilinaw kung kailan ito mangyayari.

Isinara ng Japan ang kanilang turismo sa mga hindi residente sa Japan, na nag-sanhi ng kritisismo na nag-sasabing ito raw ay napaka-higpit na hakbang, ngunit ito ay paunti-unti nang niluluwagan dahil sa pag-usad ng bakuna.

Simula sa Sept. 7, ang mga papasok na byahero sa bansa na nabakunahan ng 3 beses ay hindi na kinakailangan na magpa-kita ng proof of negative pre-departure COVID-19 test result, na siyang ipinatutupad ng gobyerno bilang requirement na magpa-test 72 hours bago ang flight.

Si Kishida ay nagtatrabaho sa kanyang opisyal na tahanan mula nang siya ay mag-positibo sa coronavirus nitong buwan. Siya ay bumalik sa trabaho sa tanggapan ng Punong Ministro nitong Miyerkules lamang.

Sa isang press conference, sinabi ni Kishida na ang gobyerno ay mag-papasok ng bakuna sa buwang ng Oktubre para sa highly transmissible Omicron variant. Ayon sa mga sources ng pamahalaan, ang bakuna ay ipapamahagi simula sa katapusan ng Septyembre. Ang Japan ay patuloy na nakikipag-laban sa 7th wave of coronavirus infections ngunit nais ni Kishida na ipursige ang ekonomiya ng bansa. Sa kabila nang mataas na bilang ng impeksyon, walang antivirus restrictions ang ibinaba.

Source: The Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund