92 anyos na ginang natagpuan namatay sa pagkaka-sakal, anak nasa-coma

Ayon sa mga pulis ang anak ang nag-babantay sa kanyang ina at pinaniniwalaan nila na pinatay nito ang sariling ina dahil napagod na siya sa kaka-alaga rito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

Isang 92 anyos na ginang ang namatay at ang kanyang 59 anyos na anak na lalaki ay nasa coma matapos silang matagpuan sa kanilang tahanan sa Tokyo nitong Lunes. Pinaniniwalaan ng pulis na pinatay ng anak ang kanyang bedridden na ina at saka nag-tangkqng kitilin ang sariling buhay.

Isang doktor ang bumisita sa bahay ng biktima sa Katsushika Ward bandang 10:10 nuong Lunes ng umaga, at nakita ang naka-pin na mensahe sa may pintuan, na naka-saad “Tumawag kayo ng pulis. Patawarin niyo ako.” ayon sa ulat ng Kyodo News.

Agad na tumawag ng pulis ang doktor, natagpuan si Fusako Maehara na naka-higa sa kanyang kama sa loob ng silid sa unang palapag ng tahanan. Pagkaka-sakal umano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ang anak ng biktima ay natagpuang walang malay sa kabilang silid. Agad naman itong isinugod sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ito ay nagkunsumo ng maraming gamot pangpa-tulog. Siya ay nananatiling nasa comatose nitong Martes.

Ayon sa mga pulis ang anak ang nag-babantay sa kanyang ina at pinaniniwalaan nila na pinatay nito ang sariling ina dahil napagod na siya sa kaka-alaga rito.

Sinabi ng mga pulis na sila ay maghihintay hanggang sa magka-malay at gumaling ang lalaki bago nila ito kwestiyunin.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund