Isang paaralang elementarya sa isang lungsod sa central Japan ang nag-aalok nang isang English-immersion program, isang pambihirang hakbang para sa isang pampublikong paaralang elementarya.
Maliban sa mga international school at private school na mayroong English lessons, ang pag-gamit ng nasabing wika sa mga Japanese public schools ay napaka-limitado. Karaniwang nag-tuturo ng English lesson sa mga public school ay nag-sisimula sa ikatlong baitang, at ito ay naging mandatory sa ika-lima at anim na baitang mula nuong taong 2020.
Ngunit sa Haccho Elementary school sa Toyohashi, Aichi Prefecture, English ang pangunahing wika para sa isang espesyal na klase sa bawat baitang. Ang ingles na wika ay ginagamit sa buong curriculum maliban lamang sa Japanese Language at Ethics classes, gagamit lamang ng wikang hapon kung may kailangang ipaliwanag ang guro.
“How many cherries are there?” tanong ng babaeng guro na mula sa Pilipinas sa mathematics class ikalawang baitang, at maraming bata ang nag-sabi, ” Alam ko!” sa wikang ingles.
“Naiintindihan ko ang mga salitang hindi ko alam kapag nakikinig ako sa isang taong nag-sasalita. Masaya ang aming mga klase. Nais ko na makipag-usap sa mga dayuhan sa darating na panahon,” ani ng 7 taong gulang na batang si Mihito Nishitani.
Si Noriyuki Ishida, 46 anyos, na matagal nang nag-tuturo sa klase kasama ang mga dayuhan ay nag-sabi, “May mga kabataan na naguluhan nuong simula, ngunit ang kanilang abilidad upang maintindihan ang wikang ingles ay umusbong nang hindi namin inaasahan.”
Sinabi nito na ang pag-usad nang mga lesson ay medyo mabagal kumpara kapag ito ay isinagawa gamit ang lengwaheng hapon at kinakailangan ng mahabang preperasyon, ngunit naniniwala ang paaralan na ang kanilang programa ay magiging kapani-pakinabang para sa kanilang mga estudyante, at umaasa sila na ang kanilang pag-sisikap ay mag-silbing modelo para sa mga iba pang mga paaralan sa buong bansa.
“Nararamdaman namin na ang aming programa ay humuhulma at nagpapa-sigla sa intellectual curiosity ng mga kabataan. Nakita na namin ang pag-taas sa mga academic performance ng mga mag-aaral, kabilang ang mga mag-aaral na hindi kasali sa all-English classes,” ani ng vice-principal ng paaralan na si Tsunehisa Inada, 53 anyos.
Ang lungsod ng Toyohashi, na isa sa mga maraming dayuhang residente ay talagang nag-lagay ng effort para sa English education.
Simula nang ipinakilala any program nuong taong 2020, nag-solicit ang paaralan sa buong lungsod nang mga nais mag-participate sa klase na may kapasidad na 26 na mag-aaral kada klase.
May mga challenges din sa pag-suporta sa mga guro at pag-bibigay ng financial assistance, subalit may malaking significance sa pag-realize na ang mga nasabing klase sa mga pampublikong paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay may iba’t-ibang background ay mag-paparticipate, ani ni Tetsuo Harada, isang propesor sa Waseda University. Isa rin siyang advisor sa World Family’s Institute of Bilingual Science na siyang sumusuporta sa paaralan.
Idinagdag rin ni Harada na ang anim na taong edukasyon ay hindi sapat para sa mga estudyante na matutunan ang lahat ng subject sa English, sinabi rin nito na “kailangan makipag-tulungan rin tayo sa mga Junior at Senior high school.
Source: Japan Today
Join the Conversation