Ngayong Lunes ang pag-marka ng isang buwan mula nang ang dating Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe ay binaril at namatay habang nag-tatalumpati sa isang election campaign sa western city ng Nara.
Ayon sa mga imbestigador, ang mga pulis ay sinusuring mabuti ang istraktura ng handmade gun na nakuha mula sa lugar ng pinangyarihan pati na rin ang mga baril na nakuha sa bahay ng suspek. Idinagdag rin nila na susubukang i-test-fire ng mga pulis ang mga baril upang malaman kung ito ay nakamamatay o hindi.
Inaresto ng mga pulis si Yamagami Tetsuya, 41 anyos, walang trabaho at naninirahan sa lungsod ng Nara, sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril.
Ini-imbestigahan rin ng mga pulis ang lalaki sa suspisyon o kasong pamamaslang. Kasalukuyang nagpapa-tingin para sa psychiatric evaluation upang mapag-tanto kung siya ba ay ng criminally culpable.
Ipinahayag ng mga pulis na nakumpiska nila handmade gun na ginamit sa pamamaril, na may sukat na mahigit 40 centimeters long at 20 centimeters high. Sinabi rin nila na kinumpiska rin nila ang mahigit 5 pang homemade gun na may similarity sa istraktura mula sa tirahan ng suspek.
Sinabi umano ni Yamagami sa mga imbestigador na binuo niya ang baril sa pamamagitan ng pag didikit nang dalawang steel pipe at gumawa pa siya ng isang 3 pipe type, 5 pipe type at 6 pipe type.
Plano ng mga pulis na isuong ang kaso para sa suspected violations of the Firearms and Swords Control Law and Ordinance Manufacturing Law.
Samantalang ayon sa mga opisyales ng lungsod ng Nara, mula ika-10 ng Hulyo hanggang ika-15, ang kanilang pansamantalang hotline ay naka-tanggap ng 104 request ng konsultasyon mula sa mga taong nag-reklamo ukol sa problema sa kaisipan matapos nang pamamaril.
May ilang mga tao na sumama ang pakiramdam matapos mapanuod ang mga ulat sa balita sa telebisyon tungkol sa pamamaril. May iba rin na na-gulat dahil ang lugar na pinangyarihan ay isang lugar na palagi nilang nadaraanan.
Gumawa rin ang mga opisyales ng lungsod nang online counseling service nitong unang yugto ng buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation