Kinumpirma ng mga health authorities sa Japan ang ikatlong kaso ng monkeypox sa bansa.
Ayon sa mga opisyal sa health ministry ang sakit ay nakita sa isang lalaki na nasa kanyang 20s nakabilang sa US Yokota Air Base sa Tokyo.
Sinabi nila na ang lalaki ay pumunta sa isang medical institution sa base nuong Huwebes matapos makaramdam ng sintomas tulad nang pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at mga rashes.
Nuong Biyernes, kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Government na ang lalaki ay infected.
Ayon sa pahayag ng mga opisyal, ang lalaki ay na-confine sa medical institution sa base. Sinabi nito na wala siyang recent history ng overseas travel, ngunit nagkaroon siya ng contact sa isang tao sa Japan na nang-galing abroad bago siya na-develop ng sintomas.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang health ministry sa lokal na pamahalaan at sa US military upang ma-trace ang infection route at madetermina kung may taong nagkaroon ng close contact sa lalaki.
Ayon sa World Health Organization, nitong Huwebes, halos 26,864 na kaso ng monkeypox ang nai-ulat sa 88 na bansa at rehiyon. Karamihan ay sa Estados Unidos at Europe.
Dineklara ng WHO na ang monkeypox ay isa nang international public health emergency nuong nakaraang buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation