Pinaliwanagan ng mga fireworks ang night sky sa hilagang Japan sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ang Omagari fireworks sa Akita Prefecture sa pampang ng Omono River sa Daisen city noong Sabado ng gabi.
Dalawampu’t walong kumpanya ng pyrotechnic mula sa iba’t ibang bahagi ng Japan ang nakibahagi sa ika-94 na fireworks display kung saan 18,000 paputok ang ginamit upang lumiwanag ang kalangitan.
Ang event ay nag-climax sa isang 900-meter string ng mga paputok na sabay-sabay na pinalabas.
Pinangalanan ito ng mga organizer na “The Light of Dawn” bilang simbolo ng pag-asa para sa hinaharap, dahil nararamdaman pa rin ng mundo ang epekto ng pandemya.
Ang bilang ng mga upuan para sa mga manonood ay nabawasan sa humigit-kumulang 110,000 sa taong ito, na humigit-kumulang 60 porsiyento ng karaniwang karamihan, bilang pag-iingat laban sa pandemya.
Join the Conversation