71 anyos na ginang, arestado dahil sa tangkang pag-patay sa anak

Ayon sa mga pulis, sa kasalukuyan ay wala pang sinasabing motibo si Nakajima kung bakit niya inatake ang kanyang anak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng pulis sa Hiroshima ang isang 71 anyos na ginang nuong Lunes, sa hinalang pag-patqy sa kanyang 48 anyos na anak na lalaki.

Ayon sa pahayag ng mga pulis, si Mieko Nakajima ay inaakusahang sinaksak ang sa kanyang sariling anak sa leeg nang ilang beses nuong 4:30 ng hapon nuong Linggo. Ini-ulat ng Kyodo News na ang ikalawang anak na lalaki ni Nakajima na naninirahan sa ibang lugar ay bumisita bandang alas-6:30 ng hapon at tumawag sa 119 nang makita ang kapatid na duguan mula sa tinamong sugat sa leeg.

Ang biktima ay agad na dinala sa pagamutan kung saan sinabi ng mga doktor na hindi malalim ang mga sugat at wala naman sa panganib, ngunit kinakailangang manatili sa ospital ng dalawang linggo.

Ayon sa mga pulis, sa kasalukuyan ay wala pang sinasabing motibo si Nakajima kung bakit niya inatake ang kanyang anak.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund