3 katao natagpuang walang buhay sa isang bahay sa Miyagi, sa suspetsang murder-suicide

Si Ichie, isang part-time worker, ay ang nag-aalaga sa kanyang asawa at kapatid dahil parehong may karamdaman.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Isang 73 anyos na lalaki at ang kanyang 49 anyos na may-bahay at ang kanyang 70 anyos na kapatid na lalaki ay natagpuang wala ng buhay sa kanilang tahanan sa Shichigahama, Miyagi Prefecture, sa kung saan pinaniniwalaan ng mga pulis na isang kaso ng murder-suicide.

Ayon sa pahayag ng mga pulis, ang mga labi nila Masaru Atsumi 70 anyos, kanyang kapatid na lalaki na si Mitsu 73 anyos at ang asawa ni Masaru na si Ichie ay natagpuan ng isang kamag-anak bandang ala-1:00 ng hapon nuong Linggo, ulat ng Kyodo News. Ani ng mga pulis, ang katawan ni Masaru at Mitsu ay natagpuan sa kani-kanilang silid sa ikalawang palapag ng bahay at nakitang may bakas ng pag-sakal, habang ang katawang ni Ichie ay natagpuan sa loob ng bathtub. Mayroong saksak sa kanyang leeg at kamay.

Ayon sa mga pulis, si Ichie, isang part-time worker, ay ang nag-aalaga sa kanyang asawa at kapatid dahil parehong may karamdaman. Pinag-hihinalaan nilang pinatay nito ang dalawa at saka kinitil ang sariling buhay.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund