Nag-pulong ang emergency committee ng World Health ukol sa kung ang kasalukuyang pag-laganap ng monkeypox ay nagko-constitute bilang isang “public health emergency of international concern.”
Ang mga eksperto mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ay nag-ulong nitong Huwebes upang suriin ang pinaka-bagong impormasyon tungkol sa nasabing karamdaman.
Pag-aaralan ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang resulta ng diskusyon at pag-dedesiyunan sa mga susunod na araw kung ito ba ay kinakailangang ideklara kung ang pag-laganap ng naturang sakit ay isang emergency.
Nag-desisyon ang WHO chief laban sa deklarasyon nuong nakaraang buwan base sa payo ng committee.
Sinabi ng committee na nuong mga panahong iyon, marami pa sa aspeto ng outbreak ay “hindi pang-karaniwan” tulad ng paglaganap ng kaso nito sa ibang bansa kung saan hindi pa man naitatala o naido-dokumento ang pag sirkulo ng monkeypox virus sa naturang bansa.
Nag-payo ang mga committee na kailangang matiyagang mabuti ang nasabing pag-laganap ng sakit at muling i-review makalipas ang ilang mga linggo upang matanto kung dapat nga bang konsiderahin na ito ay isang emerhensiyang pangdaigdigan.
Ipinahayag ni Tedros sa mga mang-uulat nitong Miyerkules na mahigit 14,000 kaso na ng monkeypox ang nakumpirma at naitala sa mahigit 70 bansa at teritoryo ngayong taon.
Sa kasalukuyan, ang mga outbreaks na naka-lista sa WHO bilang emergency ay Polio at Covid-19.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation