Hinihimok ng weather officials ang mga tao sa malawak na bahagi ng Japan na maging alerto para sa localized heavy rainfall, na maaaring mag-trigger ng mudslides at pagbaha.
Sinabi ng Japan Meteorological Agency na ang pag-agos ng mainit, humid na hangin mula sa timog ang dahilan ng pagsama ng panahon.
Ang mga ulap ng ulan ay dumaan sa rehiyon ng Tokai sa gitnang Japan magdamag hanggang Miyerkules ng umaga.
Ipinakita ng pagsusuri sa radar na humigit-kumulang 100 millimeters ng ulan ang bumagsak sa isang oras bandang hatinggabi malapit sa lungsod ng Nishio sa Aichi Prefecture.
Isang gauge sa bayan ng Watarai sa Mie Prefecture ang nagtala ng 89 millimeters ng ulan sa loob ng isang oras hanggang 1 a.m.
Sinabi ng mga opisyal ng panahon na magpapatuloy ang hindi matatag na kondisyon sa Miyerkules mula kanluran hanggang hilagang Japan.
Sinasabi nila na ang Tokai at Kanto, na kinabibilangan ng Tokyo, ay maaaring umulan ng hanggang 50 millimeters kada oras, na may posibilidad ng kidlat.
Sa 24 na oras hanggang Huwebes ng umaga, ang pag-ulan ay maaaring umabot sa 120 millimeters sa Tokai, at 100 millimeters sa Kanto.
Ang mga opisyal ng panahon ay nagbabala sa mga mudslide, pag apaw ng ilog, at pagbaha sa mga mababang rehiyon. Posible rin daw ang kidlat, buhawi at tornado.
Join the Conversation