Tokyo nag-ulat ng 33,466 na bagong kaso ng coronavirus

Ang bilang ng mga bagong kaso ay tumaas ng 768 mula nuong nakaraang linggo.

Kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Government ang 33,466 na bagong kaso ng coronavirus nitong Sabado. 12 katao ang nai-ulat na pumanaw.

Ang bilang ng mga bagong kaso ay tumaas ng 768 mula nuong nakaraang linggo, na siyang nag-tala bg mataas na bilang nuong Sabado. Ito ang ika-11 diretsong arawang tala na mataas mula pa nuong nakaraang linggo.

Ayon sa opisyales ng Tokyo, ang bilang ng mga pasyenteng mayroong malubhang kalagayan at naka-ventilator o ECMO heart-lung machines ay nasa 24 katao pa rin, bumaba ng 2 mula nuong Biyernes.

Source and Image: NHK World Japan