Sa ika-7 ng Hulyo, ipinagdiriwang ang Japanese Star Festival (Hoshi Matsuri) o mas kilala sa tawag na Tanabata. Ang mga kalsada sa Hiratsuka sa Kanagawa Prefecture ay may hile-hilerang food carts na pinupuntahan ng mga kabataang babae na naka-suot ng Yukata (traditional summer clothes) kasama ang mga kabataang lalaki na kapareha o ka-date ng mga ito.
Halos lahat ng hapones at mga taong naninirahan sa Japan ay na-eenjoy ang unang kapistahan ngayong tag-init. Ang mga bata ay mag-sasabit ng tanzaku (mga kahilingan na naka-sulat sa papel) sa mga sanga ng puno, at aalalanin naman ng mga matatanda ang kanilang summer festival nuong silay ay bata pa.
Kapag ang langit ay walang ulap, ang mga romatikong mga tao ay titignan ang langit upang masilayan ang 2 espesyal na bituin sa magkabilang direksyon ng milky way galaxy.
Star-crossed lovers
Ang istorya sa likod ng Japanese Star Festival ay mayroong isang magsasakang lalaki na si Hikoboshi at ang mang-hihibing babae na si Orihime, sila ay nagka-mabutihan at nag-mahalan na siyang naging dahilan sa pagpapa-baya nila sa kani-kanilang tungkulin na siyang nag-tulak sa kanilang superyor na sila ay pag-hiwalayin at pag-tagpuin lamang isang beses sa isang taon. Sa nasabing gabi ng magka-sintahan, sila ay nirerepresent ng tutuong mga bituin. Ang Altair at Vega, sabi sa alamat, sila ay pinapayagan na makalapit sa banal na ilog ng kalawakan upang masilayan ang bawat isa, upang maibsan ang kanilang kalungkutan at sa pag-gawa nito ay nababawasan rin ang lungkot na nadarama ng kanilang mga puso.
Iba’t-ibang bersyon rin ng ganitong love story ang naikwento at ipinagdiwang sa buong Asya sa napakaraming taong nakalipas. Ang alamat na ito ay pinaniniwalaang nag-mula sa China at naitala libong taon na ang nakalalipas. Ang alamat na ito ay nangangahulugan o may interpretasyon na may pag-asa at fidelity para sa mga pinaka imposibleng romantic relationship.
Sa isang banda, tinuturo ng alamat na ito ang importansya ng sinseridad, nilalaman ng puso at walang hanggang katapatan. Ito ay naka-sulat sa natural na pag-galaw ng mga bituwin. Sa madaling salita, ipinapakita ng kalikasan ang katotohanan at halaga ng totoong pagmamahalan.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation