Ang Dinosaur Beach Race sa Aomori ay nag-lalayong muling pasiglahin ang komyunidad

Ayon kay Kasai Emi, isang miyembro ng event organizing group, naisip nilang gumawa ng isang event na masaya matapos pwersahang ikinansela ang maraming events sanhi ng pandemiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng Dinosaur Beach Race sa Aomori ay nag-lalayong muling pasiglahin ang komyunidad

Mahigit 130 tao ang tatakbo nang naka-suot ng dinosaur costume bilang partisipante sa isang karera na gaganapin sa isang beach sa Aomori City, hilagang Japan, ngayong Linggo.

Ang local revitalization group ang nag-organize ng event, kung saan ito ay gaganapin sa Sunset Beach Asamushi.

Ang mga partisipante ay nag-tipon tipon mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa, bitbit ang kani-kanilang sariling Tyrannosaurus costumes.

Ang karera ay gagawin sa tatlong kategorya: ang mga tatakbong partisipante na nasa elementarya o mas bata pa, ang susunod ay mga nasa junior high school o matatanda na may edad hanggang 40 anyos, at mga taong nag-eedad nang 40 anyos pataas.

Walang tigil ang palakpakan nang mga nanunuod habang tumatakbo ang mga partisipante ng mabilis at ang malaking ulo ng kanilang Tyrannosaurus ay tumatalbog-talbog.

Ang makapigil hiningang karera ay napaka-saya, maraming magaling at marami rin makikitang na-dapa at pumagulong-gulong sa buhangin.

Ang isang babae na unang naka-tapos sa preliminary round ng kanyang kategorya ay nag-sabi na pinag-butihan niya any kanyang performance at siya ay masaya dahil siya ang pinaka-una sa karera.

Ayon kay Kasai Emi, isang miyembro ng event organizing group, naisip nilang gumawa ng isang event na masaya matapos pwersahang ikinansela ang maraming events sanhi ng pandemiya.

Ani pa noto na siya ay nagpapa-salamat ng lubos at hindi niya inaasahang maraming tao ang dadalo sa ginawa nilang event.

Source: NHK World Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund