Sa US state ng New York, ang gobernador ay nag-deklara ng emergency sanhi ng mabilis na pag-kalat ng monkeypox virus.
Ang Center for Disease Control and Prevention ay nag-pahayag na kumpirmadong mayroong 5,189 na kaso ng nasabing virus sa buong bansa nitong Biyernes.
Ang New York, bilang isa sa apat na kaso ang nai-ulat na maraming impeksyon kumpara sa mga states sa Estados Unidos.
Nananawagan si New York Governor Kathy Hochul na pa-lakasin ang ginagawang hakbang upang malabanan ang pag-dami ng nasabing virus.
Nag-post si Hochul sa Twitter na ang deklarasyon ay mag-bibigay ng panahon sa mga health care workers na magsa-gawa ng ng mga karagdagang hakbang upang mabakunahan ang mga mamamayan sa New York.
Idinagdag rin nito na ang mga opisyales ay nagsasa-gawa ng paraan upang ma-secure ang mas marami pang bakuna, at ipinalalawak ang teating capacity.
Nag-distribute na ang pamahalaan ng Estados ng 340,000 na doses ng monkeypox vaccine sa mga state authorities. Napag-desisyonan na rin na i-allocate ang mahigit 790,000 pang mga doses bilang kltugon sa mga kakulangan sa iba pang lugar sa bansa.
Ang monkeypox ay lumalaganap ngayon sa Europe at Estados Unidos.
Ayon sa datos na nakuha ng CDC, 22,485 na kaso ang kumpirmado sa 79 na bansa at rehiyon nitong Biyernes lamang. Ang mga bansang Spain at Brazil ay nag-ulat na rin ng kanilang unang monkeypox death.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation