LDP candidate sa Nara maaaring manalo matapos masawi si Abe habang siyang ikinukumpanya nito

Sinabi ni Sato sa isang news conference nuong Linggo ng gabi na patuloy ang kanyang pangangampanya na hindi magpapatinag sa kabila ng nangyaring trahedya, kung saan namatay si Abe sanhi ng isang bayolenteng pamamaraan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLDP candidate sa Nara maaaring manalo matapos masawi si Abe habang siyang ikinukumpanya nito

Si Sato Kei, isang Liberal Democratic Party candidate sa Nara electoral district ay tinatayang mapanatili sa kanyang pwesto para sa kanyang ikalawang termino. Sinabi nito na siya ay natutuwa na maipahatid ang magandang balita sa pumanaw na dating Punong Ministro Shinzo Abe, na siyang binaril nuong Biyernes sa western Japan habang nangangampanya para kay Sato.

Sinabi ni Sato sa isang news conference nuong Linggo ng gabi na patuloy ang kanyang pangangampanya na hindi magpapatinag sa kabila ng nangyaring trahedya, kung saan namatay si Abe sanhi ng isang bayolenteng pamamaraan.

Idinagdag din niya na siya ay pupunta sa Tokyo ngayong Lunes upang mag-hatid ng kanyang pakikiramay at huling pag-bibigay respeto kay Abe.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund