Kaso ng COVID sa Japan, tumaas ng mahigit sa 150,000 sa unang pagkakataon

" Sa kasamaang palad, wala pang indikasyon kung kailan tataas ang impeksyon ng kasalukuyang wave. May posibilidad na ito ay dudoble ang bilang kumpara sa nagdaang wave."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaso ng COVID sa Japan, tumaas ng mahigit sa 150,000 sa unang pagkakataon

Nakararanas muli ng pag-taas ng kaso ng coronavirus ang mga tao sa Japan.

Ang kabuoang bilang nuong Miyerkules ay umabot nang 150,000. Tatlongpu sa apatnapung pito na prepektura ng Japan ay nakitaan ng mataas na bilang ng sakit. Ang ika-pitong wave ay mabilis ang pag-progreso.

Ang Tokyo ay nag-ulat ng mahigit 20,000 bagong kaso ng impeksyon. Hindi man ito bago sa talaan, ngunit ito ay ang pinaka-mataas sa bilang mula buwan ng Pebrero.

Maraming kabataan ang nagkaka-sakit. Ayon sa mga doktor, sila ay nahihirapang humanap ng mga ospital para sa mga ito.

Nag-bigay ng babala ang mga pangunahing advisor ng coronavirus nang pamahalaan, na magiging malala muna ang mga bagay-bagay bago pa man ito mapabuti.

Ayon kay government advisory panel Chief Omi Shigeru, ” Sa kasamaang palad, wala pang indikasyon kung kailan tataas ang impeksyon ng kasalukuyang wave. May posibilidad na ito ay dudoble ang bilang kumpara sa nagdaang wave.”

Wala namang balak ang mga opisyal na mag-lagay ulit ng COVID restrictions. Sa halip, isinusuong nila ang mga medical workers at mga tao na mataas ang risk na maging malubha ang kalagayan kapag nahawaan ng sakit na magpa-bakuna sa ika-apat na beses.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund